Post by ChinChin on Feb 7, 2003 23:17:07 GMT -5
just want to share with you guys this article. it's quite long but enjoy sya basahin. bear with it - ouch, sinong taffected? i can say i' am
relax muna tayo sandali.......
Siyets Pebrero na.
Fresh blooms will soon line up the streets and red will be the theme
color of every store you'll pass by. Kahit pa yung tulak-tulak na
fishball stand ni Manong may heart na, may nakatusok pang stick
sa gitna, aray.may sauce pa, nilalangaw na Manong!
Dreaded na naman ang second week ng Feb. Kahit san ako lumingon may
ka-partner ang sangkatauhan. Kung makatingin pa sila eh para bang
isinumpa ka't dapat pandirihan dahil nag-iisa ka...alang ka holding
hands and ka swing-swing the arms while walking. Kulang na lang ay
makipag-plastikan ako't lokohin ang sarili kong bumili ng roses para sa
ken at ibalandra habang naglalakad sa Ayala sabay ngiti up to the ears.
Para lang masabi na "uy, may flowers na sya, how sweet naman ng Papa
nya!"
Gusto ko na ngang umabsent ng opisina a-diyes pa lang. Siguradong ang
million-dollar question na naman nyan sa reception sa office pagdating
mo sa umaga eh "san ang date nyo sa valentine's?" Ewan ko ba't tila
napaka-sagrado ng tanong na yan na kapag negatibo ang sagot mo as in
"ala akong date" eh pandidilatan ka ng mata with mouth hanging open ng
mga meron. Kung swe-swertehin ka ay tatapikin ka lang nila at sasabihing
"darating din yan p're." Kung mamalasin ka nga naman eh hindi ba't
tila nag-enroll ng isang semester sa UST seminary ang mga loko at mga
frustrated na pari at madre siguro...sesermonan ako ng iba; "ay putsa
p're wala?" o kaya "ano ba kasi ang tagal mo namang magka-boyfriend,
nakaka-apat na ko ah!" (pinapabilang ko?!) o "lungkot naman" (aray ko)
"kelan ka ba? Eh anong gagawin mo sa Valentine's?" (mag-lalaba ng rubber
shoes ko). "ano ba kasing hanap mo sa lalaki, baka napakapihikan mo?"
(Teka nga kelan ba naging parang isang trabaho ang mga lalaki at dapat
hanapin, habul-habulin, follow-up, may interview at exam) Yung iba
naman good samaritan, hihirit ng "gusto mo ihanap kita? I-set-up kita sa
kaibigan ng kapatid ng hipag ng pinsan ng pamangkin ko..." o kaya "dun
sa bestfriend ng girlfriend ng ex-boyfriend ng ate ng barkada ng
inaanak ng Tita ng boyfriend ng kapatid ng bayaw ko..." Ala akong
magawa kundi mapatitig. Anak naman ng sampung kabayong pumuputak na
ipinaglihi sa alagang kalapati ni Tarzan na nakatira sa ikapitong bundok
ng Cotabato na pinagshootingan ng pelikula ni Pocahontas o!!!
I have absolutely nothing against blind dates except for one undeniably
strong personal reason...it's not my stuff. I don't go for that thing.
In short, a-y-o-k-o. Okey lang yun actually eh, exciting nga, pero
a-y-o-k-o. I'm not comfortable with the idea of sitting down with a
smart ass, sophisticated yuppy, wearing a long-sleeve signature polo
holding an P18,000 worth cellphone from Finland in front of me, making
tete-a-tete over a cup of steaming Starbucks coffee, puffing prettily
knowing fully well that both of you should make an effort to like each
other. Or have the other like you, magpa-cute at magpa-impress or just
be yourself and do your best to make a go at it. Because the one who
set you up is expecting to hear a nice story about it in the morning.at
kung hindi.baka I-set up ka na naman sa kung sinong Tasyo na kilala ni
Tasya na gwapo daw sabi ni Tasye...ah ewan! Mas gusto ko ata yung
accidental meeting or so-natural thing na both of you are just talking,
walang pressure. Kasi mas natural na ako ang lumalabas. Ngayon kung
ka-hypocritan ang papairalin ko and wouldn't want pity slapped in my
face, sasabihin ko na lang na may date kahit wala, pipilitin na lang na
makipagdate at tanggapin ang yaya ng isang manliligaw na di ko naman
gusto talaga. Ang pangit naman non, unfair don sa guy, wawa naman sya.
Ngayon kung di ako nahihiya, downright sasabihin ko plainly and clearly
without blinking my eyes "wala akong date dahil wala akong ka-date."
Sa Valentine's ayoko sanang lumabas ng bahay. Kahit masaya ako by being
single and available by choice, malulungkot din ako, kahit magpa-strong
and unaffected effect kuno ako. Minsan may urge talaga na.alam mo yon,
sometimes it gets really lonely. Naturingang araw ng mga puso pero
hanggang ngayon kalahati pa rin ang akin...alang ka-partner...wawa
naman. Laging muntik-muntikan sasagutin ko na sana kaso something not
right comes up, may girlfriend na pala, in love pala sya sa bestfriend
nya, may hang-up pa sa ex nya, atheist pala, ex-man, mas bata sa ken, at
kung anu-ano pa. Sarap sanang may ka-embrace sa ilalim ng puno sa UP o
kaya sa Intramuros Walls overlooking the distant anchored ships in
Manila Bay. Sarap sana yung somebody would listen about my uneventful
day. I want to hold his hands and snuggle close to his chest when a love
song plays in the FX's stereo. I want to carry a small umbrella during
rainy days para siksikan kami...mas close, sarap sana. I have memorized
all the sweet and "oh gosh how heart-melting" lines of romantic movies
I've seen. I want to say it to him even if I don't have to stand in the
balcony looking down at him while the moon lights our spot. Sarap sanang
mag check-in sa air conditioned room sa Shangri-La, dimly lit lang tapos
senting kanta sa background. Nakakumot kayo pareho kasi malamig,
e-embrace lang kayo, sweet-nothings, walang sex ha! Sarap sanang
ma-surprise sa valentine's day, may magbibigay sa yo ng love letter or
flowers. Sarap sanang may ma-babatuk-batukan, aasarin, aawayin kung
trip, pagseselosin minsan, kurut-kurutin, tatadyakan, at papaamuyin ng
medyas. Yun bang lalaking hinde maarte na matilamsikan lang ng putik ang
kotse eh parang sinukluban na ng palda ng isang bading at minimura na
ang buong earth! Yung lalaking hinde mandidiring maglakad sa putik at
mag-inarteng lumakad mula Emerald Ave. hanggang Megamall dahil wala naman
talagang masasakyan.
One who knows how to sit still and be quiet. Bottom line nyan, sarap
sanang makasama ang lalaking really meant for you, as in sya yung
nawawala mong kalahati. Suited talaga kayo from the nicest to the worst
na trip nyo sa buhay, (ultimo ang pagpahid ng kulangot sa gilid ng
keyboard).
Kaso ayan wag daw piliting ma-in love eh. Kung hinde, hinde talaga, wag
ipilit just for the sake of falling in love kahit fake. Eh di wag, sabi
ng mabait kung bestfriend wag daw eh. Tsaka I'm pining for a lost love,
hoping na magkita kami uli. Kung sakali man, di pa sya nagtatanong,
sinasagot ko na sya! To hell with Maria Clara. After valentine's day,
ayoko pa ring pumasok. Maririnig ko lang ang mga chikahan nila about
their dates. Paka-pathetic siguro ng dating ko sa inyo...pero sorry ka
na lang eto ang sentimyento ko...wag mong pakialaman. This is a free
country. Hindi ako bitter, freedom of _expression to (lumulusot ata
ako!!)
Haay, asan na ba kasi ang Romeo ko. Where art thou oh Romeo, my Romeo?
(baka nalaglagan ng eroplano? Naipit ng barko?) Asan ka ba Romeo?
Nag-te-Tekken na naman siguro sa kanto.tsk-tsk.